Random Post

Monday, August 5, 2013
At bago sumapit ang gabi.... parang ewan lang ang intro ko, hahaha! Ayon nga nagpatay ako ng lamok sa labas ng bahay namin gamit tong raketang to. Electric / Magic racket! hulaan niyo nga ilan ang napatay ko sa picture? 
Nakahuli ako ng 16 na lamok. Hahaha! Nakakatuwa ang feeling na makapatay. Hahaha! Parang pangit pakinggan ng sinabi ko. XD 

Take a closer look! Ang lalaki ng mga lamok na nagkalat sa bahay namin. Malas nalang ng nakagat ng mga toh. Wala naman sanang dala dalang dengue virus ang mga to!

Patay na yan. Nakuryente kasi. Ang cute nga ng sound kapag dumidikit sila sa mga alambre. Hahaha!

Actually, may nakatakas na isang lamok sa loob ng kwarto namin, e. Pero kala niya, ha! Mahuhuli ko rin siya. Hehehe! XD

Eto naman ang view sa likod ng bahay namin. Ganda no? Hahaha!

Blurred picture lang to ng nasa itaas pero maganda parin!

Pakirotate nalang to ng pa counter clockwise! Hahaha! Eto naman yung terrace ng bahay namin kung saan natutulog ang mga doggies namin. 

I took this picture sa loob ng bahay. To be exact nasa dining area ako ng kunan ko tong view na to. 

Ang mga bougainvillea ni mama! Mejo lanta na yung nasa itaas! XD 

Eto naman si piggy. Key chain to actually na nakasabit sa bag ko last sem at last-last sem. Ang daming gustong umarbor niyan pero wala akong pinagbigyan. xD Location: sa kama ko XD

Ako to! Graduattion ko nung HS. Mataba na ako niyan. XD Hahaha! Di ko pa tinatanggal yung plastic cover. Halata niyo? Hahaha!

Dinner time! At hindi plato ang ginamit ko kung hindi bowl. XD Wala lang. Hindi namin trip ni mama na kumain sa dining area dahil wala pa si papa. 

Last picture bago kumain. Hahaha!

Tapos na akong kumain! XD Wala ng laman yung bowl ko. Kita niyo? Hahaha!

Jan ako nakahiga. Double deck. Sa itaas ako. Si kuya naman sa ibaba. Kaso wala siya sa bahay ngayon. Nasa Olongapo siya nagwowork... Kakamiss...

Nagddrawing ako habang nanonood kami nila mama at papa (dumating na) ng Jessica Soho! Hahaha! Sino siya? Hindi ko rin kilala. Nakita ko lang siya sa net. XD

Isa pang pic! Actually, nirere-use ko lang yung Psycho book na  nakita ko. Walang sulat sa likod e kaya don ako nagdodrawing.

Mini Glitter Markers! *bling* *bling*

Nahuli din kita! kala mo makakatakas ka! XD

Siya yung lamok na nakatakas nong nagpipicture ako ng racket! XD Nahuli ko rin bago ako matulog! Hahaha!

Yan na ang last pic. After niyan natulog na ako. Mga alas diyes na yata non? Hahaha! Kagabi ang saya kasi nanood ako ng Jessica Sojo. Wala lang... Ang tagal ko narin kasing hindi nakakapanood ng TV. Masyado akong naadik sa PC. Pero napansin ko lang na mas marami akong tawa kapag TV ang kaharap. XD

0 comments:

Post a Comment