What to do this Monday?

Monday, August 5, 2013
Pagkabangon na pagkabangon ko.... Wala pang hila hilamos (seryoso to!) e nag drawing nanaman ako. Mukhang namiss ko ang pagiging artist ko. Hahaha! Ang pag drawing ko just for fun lang. Hindi naman ako sobrang expert sa pag drawing, e. Na appreaciateko lang siguro ang anime kaya ganon. 

Sino ba tong drinawing ko ngayon? Hulaan mo nga?

Bago ako maghilamos, tinapos ko muna yung drawing.

After non... gumamit na ako ng ballpen. Kilala niyo na ba siya? Nasa itaas yung pangalan niya. Hindi masyadong makita dahil nakalapis lang. Hahaha.

Siya po si Erza. Sa Fairy Tail. Sorry naman kung di halata. Hahaha! Ang hirap kaya mag drawing no! XD

Yan ang buong katawan ng ginawa ko. Nakaka amaze... Parang ang ganda... Parang lang naman. Hahaha! Natanong ko nga si mama kung sino sa kanila ni papa ang marunong mag drawing. Proud na proud ba naman niyang sinabi na siya raw! Hahaha!

Hindi ko alam kung anong oras pero nagpaligo si Mama ng aso. Mejo malapit ng mag twelve yon, e. Pinaliguan ni mama yung tatlo (Ash, Fluffy at Cyber).

Eto si Fluffy (shih tzu : girl)! Mukha siyang mataba pero mapanlinlang ang balahibo niya kaya nagmumukha tuloy siyang mataba. Hahaha! Si kuya naman ang nagpangalan dito. At siya ang bunso sa tatlo naming doggies. Bigay siya ng tita namin from father side.

Fluffy? Bakit ka nakapikit? Malamig ba ang tubig? Hahaha!

Eto ang mga asong na nasa waiting list. Pinapanood ni Cyber (siberian husky : girl) si Fluffy na maligo. Chill lang si Ash (Japanese spitz : boy). 

Napatayo na si Cyber. Siya na ang next na maliligooo, e! XD

Nakabanyera pala silang maligo ngayon. Hahaha! Parang mga bata lang! XD

Tapos ng maligo si Fluffy. Kumusta? Mukhang giniginaw siya! Hahaha!

Si Cyber na pala to. Nakabanyera din parang kay Fluffy. Baby pa kasi siya. Haha.

Nakatali pa syang naliligo. Pero behave yan habang pinapaliguan ni mama. :)

Come on lick me, Fluffy! :P Hahaha!

Ang eldest nilang si Ash... Hindi nakabanyera. E syempre big boy na yan. :D

Makiki extra ang mukha ko. Hahaha! Tapos narin makapagpaligo ng doggies!

At dahil tapos na silang maligo, suklay mode naman. Haba ng hair mo, Fuffy, ha? XD

Wala lang ma picture kaya pati gardening gloves ni ma ay pinagtripan! XD
Bago matapos ang lahat, nag video ako pagkatapos nilang maligo. Ni request to ni kuya. Mukhang namimiss niya ang mga aso niya (na siya ang umampon, actually). Ang kukulit nga nila, e. Kasing kulit ko! XD



0 comments:

Post a Comment